Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Beauty queen-turned actress, takam na takam sa mga giveaway
Beauty queen-turned actress, takam na takam sa mga giveaway

Beauty queen-turned actress, takam na takam sa mga giveaway

KARAKTER talaga ang beauty queen-turned-actress na ito.

May ugali kasi itong parang takam na takam sa mga giveway sa presscon na tipong nakikipagkompitensiya pa sa mga uma-attend na miyembro ng showbiz press.

Minsan sa presscon sa isang pelikulang kasama siya ay kinuyog siya ng press para interbyuhin sa isang sulok. Magiliw naman niyang pinagbigyan ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng interbyu, napansin niyang nagkakagulo sa isang gilid. Bigayan pala ‘yon ng freebies para sa mga press attendees.

Walang kaabog-abog na pinatigil muna ng hitad ang panayam sa kanya, sabay sigaw sa person in charge of distribution. ”Oy, oy, ako rin, pahinge. Gawin mo nang tatlo!” sey nito na ikinaloka siyempre ng lahat.

Basta pala makakalibre ang aktres sa mga harbat ay hindi niya ‘yon pinalalampas. Da who ang dating beauty queen na ito na in fairness ay mahusay sa larangan ng pag-arte?

Itago na lang natin siya sa alyas na Mariel Lobregat.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top