Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 800 pulis binabantayan sa ilegal na aktibidad
800 pulis binabantayan sa ilegal na aktibidad

800 pulis binabantayan sa ilegal na aktibidad

INIHAYAG ng pambansang pulisya na binabantayan ngayon ng kanilang counter-intelligence group ang halos 797 police personnel na sinasabing sangkot sa iba’t ibang uri ng ilegal na aktibidad, kabilang ang kalakalan ng ilegal na droga, pangingikil at ipinagbabawal na mga sugal at sugalan. 

Sa opisyal na paalala sa kanyang mga tauhan, hinikayat ni Philippine National Police (PNP) PNP chief Director General Oscar Albayalde ang nabanggit na mga police officer na nasa ilalim ng pagmamatiyag nila at may mga ranggong patrolman hanggang lieutenant colonel na sumuko agad at sumailalim sa imbestigasyon para magkaroon sila ng oportunidad na linisin ang kanilang pangalan.

“Kung makita naman po natin na wala silang kinalaman sa illegal activity, then we can adjudicate them and they can go on with their career,” punto ni Albayalde.

Batay sa datos ng PNP hanggang nitong nakaraang buwan ng Mayo, 113 police personnel na ang naaresto at siyam ang napaslang sa ilang police operation dahil sa pagtangging sumuko at panlalaban habang 250 iba pa ang nahaharap sa iba’t ibang kaso sa harap ng korte.

Inihayag din ni Albayalde na 68 porsiyento ng mga ‘naliligaw’ na pulis ay nakagawa ng mga salang robbery extortion, kasunod ang kidnapping (14 porsyento) at tupada o ilegal na sabong (10 porsiyento). (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top