Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 3 holdaper ng 2 Chinese nationals nasakote
3 holdaper ng 2 Chinese nationals nasakote

3 holdaper ng 2 Chinese nationals nasakote

NAPASAKAMAY ng mga awtoridad ang tatlong humoldap sa dalawang Chinese national sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nasa detention cell ng pulisya , ang mga suspek na kinilalang sina Luis Guilherme de Jesus, 18 anyos, ng 20-D Antipolo St., Barangay 10, Pasay City; Aaron Quirong, 20 anyos, waiter, kitchen staff; at Christopher Lozada, 20, kapwa residente sa Lourdes St., Bgy.6 sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga biktimang sina Li Hong le, 21, at Pan Si Si, 23, food attendant, kapwa Chinese nationals, at nakatira sa Shore Residence.

Base sa ulat ni Pasay police chief P/Col. Bernard Yang, naganap ang insidente sa Sta. Escolastica St., Bgy.13 sa nasabing lungsod, dakong 3:55 am.

Naglalakad ang dala­wang Chinese national sa lugar nang biglang sumul­pot ang tatlong suspek at tinu­tukan ng patalim sabay deklara ng holdap.

Sapilitang kinuha ng mga suspek ang pera at cellphone ng dalawang Chinese saka tumakas tiyempo namang nagpa­patrolya sina P/Cpl. Tryan Miranda, P/Cpl. Michael Kevin Pinlac, P/Cpl. Eman Chris Manta­ring, P/Cpl. Jerson Bau­zon, at Pat. Kevin Javier ng Police Community Precinct (PCP) CCP Complex nang mabatid ang insidente sa mga bystander sa lugar.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek na kani­lang naabutan sina Qui­rong at Lozada habang nasakote ng Tactical Motorcycle Riders Unit si De Jesus sa Sta. Monica St., na tumatakbo patu­ngong FB Harisson St.

Narekober sa mga suspek ang limang P1,000 bills, isang power bank at puting cord na tinangay sa mga bik­tima, dalawang bali­song at isang selyadong pakete na naglalaman ng marijuana o kush.

Sasampahan ang tatlong suspek ng ka­song robbery, illegal possession of deadly weapon at Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) sa Pasay Pro­secutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top