Sunday , July 12 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2,000 ‘laya’ sa GCTA ‘panganib’ sa lipunan — Palasyo

2,000 ‘laya’ sa GCTA ‘panganib’ sa lipunan — Palasyo

ITINUTURING ng Palasyo na banta sa lipunan ang halos 2,000 convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­ne­lo, ito ang dahilan kung bakit hindi alintana ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na maglaan ng pondong halos P2 bilyon para maibalik sila sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa press briefing kaha­pon, inihayag ni Panelo na kailangang may gawin ang pamahalaan upang matiyak ang proteksiyon ng bawat isa sa gitna ng paglaya nang halos 2,000 dating bilanggo na naka­labas sa Munti dahil sa GCTA.

Binigyang diin ni Pa­ne­lo, sa nabanggit na bi­lang ng mga naka­bene­pisyo sa GCTA ay may nakalabas ng Bilibid na nasentensiyahan dahil sa karumaldumal na kri­men.

ni ROSE NOVENARIO

 

4 ‘LAYA’ NA CONVICTED
SA HEINOUS CRIME
KUSANG SUMUKO

BOLUNTARYONG su­mu­ko ang pinalayang inmate na kabilang sa 1,914 pinalaya sa ilalim ng Good Conduct Time & Allowance (GCTA) ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong nakaraang 11 Hulyo 2019.

Iniharap sa mga ma­ma­mahayag nina National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, PMGen. Guiller­mo Eleazar, Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Nolas­co Bathan, at Pasay police chief P/Col. Bernard Yang ang napalayang convict na si Nicanor Naz, alyas Nick, 48 anyos, binata, na nasentensiyahan noong 3 Hunyo 1993 ng pagkaka­bilanggo habambuhay ng Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Si Naz ay naharap sa kasong paglabag sa Section 15 ng Republic Act 6425 o Dangerous Drugs Act of 1972.

Nakulong sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao Del Norte at kala­laya nitong 11 Hulyo, pagakatpos bunuin ang 26 taon sa bilangguan.

“Nalungkot ako nang mapakinggan ko ang si­na­bi ni Pangulong Duterte na binibigyan kami ng 15 araw na taning para sumuko,” ani Naz.

Handa rin daw siyang makulong muli kung ito’y ipag-uutos ng Pangulo na bawiin ang GCTA na ipinag­kaloob sa kanila ng BuCor.

Nagtungo siya sa Pasay at agad niyang ti­na­wagan ang pamangkin na si Elias at isinuko siya kay P/CMSgt. Jonathan Moreno, hepe ng warrant section.

Ayon sa NCRPO Chief, pansamantalang ikukulong si Naz sa deten­tion cell ng Pasay City Police at manga­nga­siwa ang district director na si Bathan.

Samantala, apat pang convicts ang sumuko sa New Bilibid Prison (NBP) na kabilang sa GCTA pero pansamantalang hindi inihayag ang mga panga­lan. Sinabi ni S/Insp. Euge­nio Del Rosario ta­pag­salita ng NBP, ang apat na sumuko ay kabi­lang sa mga nasente­siyahan dahil sa heinous crime at mga beneficiary ng GCTA law.

(JAJA GARCIA)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top