Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / McCoy, handa nang magmahal muli
McCoy, handa nang magmahal muli

McCoy, handa nang magmahal muli

HANDA na muling magmahal at bukas sa panibagong relasyon ang lead actor ng pelikulang G!, si McCoy De Leon.

Maaalalang kumalat ang balita na break na sila ng kanyang ka-loveteam at GF na si Elisse Joson na pinatotohanan naman nilang dalawa.

Sa mediacon ng G! ng Cineko Productions ay nagbigay ng pahayag si McCoy ukol sa posibilidad na magmahal muli, “Pagdating sa relasyon open ako, masaya magmahal muli.

“’Yung mag-effort ulit sa isang babae, kaya hindi ko isinasara ‘yung puso ko sa mga ganoong bagay.”

Pero sa ngayon, wala pang nagpapatibok ng puso ni McCoy at mas naka-focus siya sa kanyang trabaho at sa promotion ng pelikula.

Makakasama ni McCoy sa G! sina Mark Oblea  Paolo Angeles, at Jameson Blake mula sa direksiyon ni Dondon Santos at isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino  na mapapanood sa mga sinehan sa September 13-19 para sa pagdiriwang ng ika-100 anniversary ng Philippine Cinema.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top