Saturday , January 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Halik ni Daniel kay Kathryn, pinagkaguluhan sa socmed; sa lips ba o sa pisngi?
Halik ni Daniel kay Kathryn, pinagkaguluhan sa socmed; sa lips ba o sa pisngi?

Halik ni Daniel kay Kathryn, pinagkaguluhan sa socmed; sa lips ba o sa pisngi?

NAPAKARAMING pictures ang naglabasan sa social media na kuha ng mga netizen sa beso-beso nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang basketball event last Sunday afternoon sa Araneta Coliseum.

‘Yung mga kuhang malayo, ginawang close-up, makuha at makita lang ang gustong makita. Kung sa pisngi ba o sa gilid ng labi o sa labi hinalikan ni Daniel si Kath!

Ang saya, hindi ba!

Marami na namang fans ang nagdiwang dahil waging-wagi ang dalawa sa eksena nilang ‘yun!

Itanong na lang natin sa katabi nina Kath at Daniel kung saan ba talaga hinalikan ni Daniel si Kath! Kakaloka! Pati ako naintriga!

Pero sa totoo lang, mahal na mahal na nila ang isa’t isa kaya wala akong pakialam kung saan man hinalikan ni Daniel si Kath. Basta ang alam ko ay kumita ang pelikula ni Kath with Alden Richards at sana suportahan din ng lahat ang movie naman ni Daniel with Sarah Geronimo. Ano ba talaga Viva at Star Cinema?

 

REALITY BITES
ni Dominic Rea

 

About Dominic Rea

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top