Saturday , April 20 2024

F2, reyna ulit ng Superliga

MATAPOS ang back-to-back runner-up finishes, balik na sa wakas sa tuktok bilang reyna ang F2 Logistics matapos talunin ang Cignal sa Game 2, 25-14, 25-16, 25-19, sa kanilang 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference Finals series kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagningning para sa Cargo Movers si Fil-Am sensation Kalei Mau na kumana ng 19 puntos sa 17 atake upang giyahan ang koponan sa tuluyang 2-0 sweep kontra sa HD Spikers.

Bunsod nito, napasakamay ulit ng F2 Logistics ni head coach Ramil De Jesus ang PSL title matapos huling mapanalunan noon pang 2016.

Sa nakalipas na dalawang taon, matatandaan na nagkasya lang sa runner-up ang Cargo Movers sa likod ng dating 2-time champion Petron na inilaglag ng Cignal sa semis.

Sumuporta kay Mau si Kim Kianna Dy na may 13 puntos sa 9 atake at 4 blocks habang may tig-6 markers ambag sina Majoy Baron at Ara Galang.

Sa kabilang banda, tanging si Jovelyn Gonzaga na may 9 points ang nakapagpasiklab para sa HD Spikers na bigong matuldukan ang pambihirang Finals run nito matapos silatin ang kampeon na Blaze Spikers sa semis.

Samantala, itinanghal din si Mau bilang MVP at Best Scorer ng All-Filipino Conference.

Pinarangalan bilang Best Setter si Alohi Robins Hardy at Jeck Dionela bilang Best Libero ng Cignal.

Best Opposite Spiker si Dindin Santiago-Manabat ng Foton, 2nd Best Middle Blocker si Majoy Baron ng F2, 1st Middle Blocker si Jaja Santiago ng Foton din habang sina Rachel Ann Daquis ng Cignal at Sisi Rondina ng Petron ang pinangalanan bilang 1st at 2nd Best Outside Spiker, ayon sa pagkakasunod.

(JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *