Sunday , February 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 6 drug personalities timbog sa buy bust
6 drug personalities timbog sa buy bust

6 drug personalities timbog sa buy bust

ANIM na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 10:30 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr., ang buy-bust operation sa Bisig Rd., Bisig ng Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Robert Dawat, 43 anyos, at Ma. Cristina Dela Cruz, 33 anyos, kapwa nasa drug watchlist matapos magbenta ng isang sachet ng shabu kay P/Cpl. Julius Bernardo na nagpanggap na poseur buyer.

Ayon kay SDEU investigator P/SSgt. Carlos Erasquin Jr., nakompiska sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P2000 bill, timbangan, color silver, dalawang transparent plastic sachet at isang belt bag.

Dakong 10:45 pm nang madamba rin ng mga operatiba ng SDEU Team 3 sa buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA sa Templanza St., Brgy. Marulas si Lina Librando, 45 anyos, Roberto Cantos, 45, John Carl Cabarco, 38, sales representative, at Arnie Christian Agaton, 20 anyos, dating OFW.                                                   (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top