Friday , February 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sa pulong nina Digong at Nur: GRP-MNLF peace coordinating committee binuo
Sa pulong nina Digong at Nur: GRP-MNLF peace coordinating committee binuo

Sa pulong nina Digong at Nur: GRP-MNLF peace coordinating committee binuo

NAGING produktibo ang pulong nina Pangu­long Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misua­ri hinggil sa pagpa­panatili ng kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, napagkasunduan na magtatayo ng isang GRP-MNLF Coordinating Committee upang  mag­silbing daan para maka­mit ang kagyat na kapa­ya­paan sa Sulu.

Layon nito ang pag­tu­tu­lungan sa pagsugpo sa Abu Sayyaf Group at kombinsihin ang mga kaa­nak ng MNLF na mag­balik loob sa pamahalaan.

Aniya, inatasan ng Pangulo ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity na mag-convene sa ikalawang linggo ng Setyembre.

Ito ay para magka­roon ng mga diskusyon at konsultasyon hinggil sa peace agreements ng MNLF.

Makasisiguro rin aniya ang komite ng “full-support” mula sa Palasyo para maresolba ang ilang dekadang conflict na nagdulot ng paghihirap, girian sa pagitan ng Kristiyano at mga Muslim, at kama­tayan sa mga naaa­pektohan ng bakbakan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top