Sunday , February 23 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Navy exec patay sa banggaan sa Zambales
Navy exec patay sa banggaan sa Zambales

Navy exec patay sa banggaan sa Zambales

HINDI nakaligtas ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos makabangaan ng kaniyang minamanehong kotse ang isang pampasaherong bus sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan ng Zambales nitong Lunes ng gabi, 26 Agosto.

Idineklarang dead on arrival sa San Marcelino District Hospital ang biktimang kinilalang si Private First Class Joseph Bill Ignacio, 26 anyos, tubong lungsod ng Zamboanga, at nakatalaga sa Naval Education, Training and Doctrine Command sa naturang lalawigan.

Ayon sa mga imbestigador, mabilis ang pagpapatakbo ni Ignacio ng kaniyang Kia Pride patungong norte nang bigla siyang lumipat sa kabilang linya kaya nabangga ng paparating na bus ng Victory Liner na minamaneho ng kinilalang si Joseph Menor, 36 anyos.

Namatay ang biktima sanhi ng grabeng pinsala sa katawan sa pagkakabangga ng bus sa kaniyang kotse.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top