Thursday , April 25 2024

Kaduda-dudang “sense of propriety” sa Malasakit Center ni Sen. Bong Go

NAKATATAWA, este, nakatutuwa ang ma­syadong pagpapalaki ng balita sa mga social at civic activities ni dating special assistant to the president at ngayo’y Sen. Christopher Law­rence Go (aka Bong Go).

Tampok ang press release na dinalaw ni Go ang dalawang barangay para mamahagi ng food packs, relief assistance at groceries sa 230 pamilya, at school supplies sa mga mag-aaral na biktima ng sunog sa Davao.

Mantakin na lang, naroon sa sobrang “overkill” na seremonya sa pamumudmod ng relief ang mga nagkakandarapang kinatawan mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan – Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Housing Authority (NHA), Technical Education and Skills Develop­ment Authority (TESDA), Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Department of Trade and Industry (DTI).

Si Go kasi ang pinaniniwalaang “appointing power” o nasa likod ng pagtatalaga sa mga opisyal ng pamahalaan sa kasalukuyang administrasyon at itinuturing na pinakamaimpluwensiyang nilalang sa tabi ni Pres. Digs.

Kailanman ay hindi natin minasama ang pagtulong, lalo’t hindi ito ipinangangalandakan dahil ang ginagawa raw ng kanang kamay ay hindi dapat makita ng kaliwang kamay.

Palibhasa, basta’t ang pinag-usapan ay tulong ay hindi na pinahahalagahan ang ‘propriety’ o kawastohan nito kahit pa walang ipinagkaiba sa alamat na pagtulong ni ‘Robin Hood’ sa nanga­ngailangan.

Ipinamarali rin ni Go ang kontrobersiyal na Malasikwat, este, Malasakit Center na kanyang naimbento noon bilang special assistant ni Pres. Digs at hindi pa nahahalal na senador.

Kuwestiyonable pa man din ang papel ng Malasakit Center na “brain child” ni Go para maging daluyan ng pondo na umaagos mula sa kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ngayon lang kasi nangyari na ang dating co-terminus na gaya ni Go ay maglunsad ng proyekto gamit ang resources ng gobyerno.

Kailan ba naamiyendahan ang charter ng PCSO na gumamit ng alulod para duplikahin ang kanilang mandato bilang ahensiya sa kawang­gawa?

Kumbaga sa koryente ay parang transformer, imbes idirekta ng PCSO ang tulong sa nanga­ngailangan ay idaraan pa sa Malasakit Center.

Ngayong isa nang senador si Go at legislator, dapat na niyang tantanan ang pag-epal sa mandato ng executive at co-equal branch ng gobyerno.

Mas maka­bu­buting patuna­yan ni Go ang kakaya­han ng pagiging mambabatas niya sa pagpapanukala ng mga maka­bul­uhang batas na maka­bubuti sa bansa at mama­mayan.

Ipaubaya na lang ni Go na gam­panan ng PCSO, DSWD at ibang ahensiya ng ehekutibo at mga government owned and controlled corporation (GOCC) ang pagtupad sa kanilang mandato na pangunahan ang pagtulong sa mamamayan na nangangailangan.

Ang pinaggagagawa ni Go ay wala rin ipinag­kaiba sa pagsandok ng mga mambabatas ng ‘pork barrel’ para sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Maliban kay Go ay walang ibang garapal na mambabatas ang kayang gawing sunud-sunuran ang mga ahensiya ng ehekutibo sa kanilang aktibidad sibiko, tulad sa pamumudmod ng relief sa mahihirap.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *