Friday , February 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 6 sangkot sa droga arestado sa buy bust
6 sangkot sa droga arestado sa buy bust

6 sangkot sa droga arestado sa buy bust

ANIM na hinihinalang sang­kot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinaga­wang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naares­tong suspek na sina Walter Austria alyas Abal, 47 anyos; Bernardo Asigurado II alyas Bernie, 50 anyos; Bernardo Asigurado IV, 47; Alron Candelario, 20; Glenn Jugarap, 24; at Neptali Manalaysay, 50.

Batay sa ulat, dakong 11:30 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas sa Tulay Kuwatro, Brgy. Daanghari sa koordinasyon sa PDEA.

Nagawang makaiskor ng isang sachet ng shabu ni P/Cpl. Salvador Miguel Jr., na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money kay Abal at Bernie at nang magkaa­butan ay agad sinunggaban ang dalawa, kasama ang apat pang suspek matapos makuhaan ng sachet ng shabu.

Ayon kay SDEU inves­tigator P/Cpl. Catherine Buella, narekober sa mga suspek ang 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money at P200 cash.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top