Saturday , January 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sinon, wala na sa EB; gustong mapunta sa It’s Showtime
Sinon, wala na sa EB; gustong mapunta sa It’s Showtime

Sinon, wala na sa EB; gustong mapunta sa It’s Showtime

SA wakas ay nagsalita na si Sinon Loresca ukol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga!, tinanggal ba siya  o umalis sa naturang noontime show?

Nawala po ako sa ‘Eat Bulaga!,’ last ‘Eat Bulaga!’ ko pa po last year.

“Actually March last year. Kasi nagta-travel-travel din po ako sa ibang bansa. So may moment po na hindi po kayo basta-basta papayagang lumabas ‘pag nasa ‘Eat Bulaga!’ ka.

“So nahati rin po ‘yung sked [schedule] ko that time so kasi hindi naman po ako naka-kontrata sa ‘Eat Bulaga!’ so… wala po akong contract, so iyon po.

“Kinuha ko rin po ang mga raket sa ibang bansa  hanggang ngayon. 

“Pero nagge-guest po ako, two months ago nag-guest ako sa ‘Eat Bulaga!’ At saka sa GMA, so happy pa rin po naman ako kahit paano.”

Maayos ang relasyon niya sa buong grupo ng Eat Bulaga! at producer nitong TAPE, Inc..

Okay po ako, wala po kaming isyu, masaya po kami lahat. At saka open din po ako sa lahat ng projects. Parang, ngayon may gagawin akong movie, I cannot mention it yet but ang mga artista po na kasama ko, [taga-] ABS-CBN.”

Speaking of ABS-CBN, halimbawang kunin siya ng It’s Showtime na katapat ng Eat Bulaga!, papayag ba siya?

Oh my God, It’s a dream for me!”

Kahit mahigpit itong kalaban ng Eat Bulaga! na unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging parte ng isang noontime show?

Wala naman na… ang pagkakataon po sa akin kung saan po ang trabaho roon tayo.

“Kung saan po ang pagkakataon na mabibigyan ka nila, roon po tayo. 

“Pero at the end, huwag lang po tayong makalimot kung saan ka nanggaling, iyon ang pinaka-importante. 

It’s a dream for me kasi siyempre, Vice Ganda! Iyan po ang pinaka-idolo ko sa LGBT natin, iyan po ‘yung pinaka-queen natin.

Hinahangaan ko siya kasi magaling magpatawa, magaling siya sa lahat ng bagay, napakabilis niyang magpatawa.

“So dream ko rin po iyon.

“Kahit saan naman po ako, puwede na eh, kasi wala naman po akong contract na channel, eh.

“So I’m open for any kind of opportunities.”

Pareho na sila ni Vice Ganda na celebrity endorser ng Frontrow products, dalawa na silang gay queens ng company nina RS Francisco at Sam Versoza.

Ay, sobrang saya po kasi sa Frontrow kahit sino ka!

“Dalawa na kaming reyna, sobrang saya kasi dalawa na kaming reyna sa Frontrow at saka very comfortable po kasi rito, lahat kami pamilya kahit bakla ka, lalaki, tomboy, babae, bahala ka.

“Pero idol ko si Vice, hindi ko pa nami-meet, I wish one day, so let’s see kasi magkaisa kami ng brand so, hopefully makita ko siya kasi I’m a big fan.

“Sobrang fan ako ng isang Vice Ganda.”

Sa Eat Bulaga!, ang pinaka-nami-miss niya ay ang isa pa ring “reyna”, ang King of Transformation, si Paolo Ballesteros.

Siyempre si Kuya Paolo. ‘Yung bonding namin.

“Actually lahat sila. Si Allan K, lahat actually, lahat actually sa ‘Eat Bulaga!’

“We are one big family. Noong nag-‘Eat Bulaga!’ po ako itinuring po nila ako na pamilya. Sobrang hindi ko po naramdaman na nag-i-start pa lang ako, basta ‘pag nasa ‘Eat Bulaga!’ ka, pamilya ka namin dito.

“Kung anong mayroon sila mayroon ka rin. 

“Sobrang saya!”

Si Sinon (na tinaguriang King Of The Catwalk) ay bagong endorser ng Frontrow kabilang ang rap group na Ex-Batallion at social media influencer na si Sachzna.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top