Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Veteran actor, iginiit: Ate Guy, mas magaling kay Ate Vi
Veteran actor, iginiit: Ate Guy, mas magaling kay Ate Vi

Veteran actor, iginiit: Ate Guy, mas magaling kay Ate Vi

HINDI na lang namin babanggitin ang pangalan ng isang award-winning veteran actor na nakausap namin. Ito ay sa pakiusap niya na huwag na lang naming banggitin. Baka raw kasi magtampo sa kanya si Vilma Santos at si Nora Aunor sa magiging sagot o opinyon niya sa aming tanong, na kung sino sa tingin niya sa dalawa ang mas mahusay umarte?

Sabi ni award-winning veteran actor, mas nahuhusayan siyang umarte kay Ate Guy. Pero mas maayos naman ang buhay ni Ate Vi. Kompara kasi kay Ate Guy, mas maganda ang buhay ngayon ng Star For All Season.

From being a succesful and award-winning actress, naging successful din ito bilang isang politician mula sa pagiging mayor hanggang gobernadora ng Batangas City.

At least, pareho namang pinuri ni award-winning veteran actor sina Ate Guy at Ate Vi, ‘di ba?

So, kung mababasa ng dalawang aktres ang kanyang opinyon, baka naman hindi magtampo sa kanya ang mga ito.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top