Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman
Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman

Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman

INATASAN ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kanilang desisyon na nagtatanggal sa puwesto kay Nueva Ecija Gover­nor Aurelio Umali, mata­pos mapatunayang guilty sa ilegal na pagga­mit ng kanyang pork barrel noong siya congress­man pa.

Bukod sa pagpapa­tanggal bilang goberna­dor, kasama rin sa Novem­ber 14, 2016 decision na pirmado ni Graft Investigator and Prosecutor Karla Maria Barrios ang perpetual disqualification o pagbabawal kina Umali at Renato Manantan na makahawak ng posisyon sa gobyerno habam­buhay.

Ipinakakansela rin ng Ombudsman ang lahat ng benepisyo at retirement pay nina Umali at Manan­tan kaugnay ng paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Prac­tices Act.

Si Manantan ay executive director ng Department of Agri­culture sa Region 3 samantala si Umali ay congressman ng third district ng Nueva Ecija nang mangyari ang inia­akusang krimen.

Aabot sa 7,920 botel­ya ng liquid fertilizer ang binili sa halagang P1,500 bawat bote pero napatu­nayan sa imbestigasyon na P150 lamang pala ang presyo nito kada isa.

Inaasahan na rin ng Ombudsman na kakan­selahin ng Comelec ang certificate of candidacy ni Umali noong May 2019 dahil wala itong bisa sa simula’t simula dahil sa naging desisyon anti-graft investigator.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top