Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Lawrence, kinikilig kapag tinatawag na Beautederm baby ni Rei Tan
Kris Lawrence, kinikilig kapag tinatawag na Beautederm baby ni Rei Tan

Kris Lawrence, kinikilig kapag tinatawag na Beautederm baby ni Rei Tan

IPINAHAYAG ng singer/song­writer na si Kris Lawrence na thankful siya dahil madalas na nakasasali sa mall shows ng BeauteDerm. Aminado si Kris na kinikilig siya kapag tinata­wag na Beaute­derm baby ng CEO at owner nitong si Ms. Rei Tan.

Esplika niya, “Siyempre I feel honored! Beautéderm is a big company and I feel kilig to be called a Beautederm baby by the owner, Rei Tan herself.

“Si Ms. Rei sobrang bait niya! Sobrang down to earth din. She knows how to talk to everybody and doesn’t make anyone feel lower than her no matter how rich she is.”

Ngayon ay busy si Kris sa bago niyang show sa MTV Philippines at sa planong solo concert sa November bilang selebrasyon ng 13th year niya sa showbiz. Mayroon din siyang bagong single titled Anong Gusto Mo produced internationally ni Neo Tempus, written by Andrew Briol, Knowa Lazarus, at ni Kris mismo.

Kabilang sa business niya ang car rentals. Mahilig siya sa kotse, kaya swak ang business kay Kris na mayroong ipinarerentang seven units.

Maraming kotse si Kris, pero hindi niya itinuturing ang sarili bilang car collector. “Mahilig ako sa car, pero I don’t think I have enough money or cars to call myself a collector, hahaha! Pero mahilig ako sa cars, mag-upgrade ng cars, customize cars… Kapag sinabi kasing car collector, parang dapat may 10 cars pataas. Three lang personal vehicles ko, the rest for business lang.”

Nang usisain namin kung ano ang kan­yang prized possession pagdating sa car. Eto ang tugon niya,”Ewan ko… siguro ‘yung BMW, hahaha!”

Wika ni Kris sa kanyang natu­rang astig na 6 series 2 door sports car na nabili last year.

Pahabol ni Kris, “Iyong nag-wrap sa BMW is Royal Wrap Pampanga. Balot kasi ‘yun, hindi pintura. Mas okay ang wrap, kaysa pintura, para kapag gusto mo mag-change, tanggal and wrap ulit. ‘Tska protection na rin ‘yun para sa paint ng sasakyan and mas maraming kulay na puwedeng ma-achieve sa wrap tulad ng multicolor.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top