Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito
DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito

DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito

SA LAKI ng inilaan ng kongreso sa bawat dis­trito ng mga kongresista, mukhang mawawala na ang mga lubak sa kal­sada ng San Jose del Monte City at sa iba pang bayan sa bansa.

Ayon kay Cayetano, isinumite na ni Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang tig-P400 – P500 milyong halaga ng pro­yekto sa bawat distrito sa bansa para sa impra­estruktura.

“Kausap namin Secretary Mark Villar, sabi niya, he will try na walang distrito all around the country na less than P400-P500 million ‘yun infrastructure,” ani Caye­tano matapos isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 trillion kahapon.

“Ang sinasabi ko, wala nang pork bar­rel, ang deparamento na ang naglalagay, ang nag­sa-submit sa departa­mento, district engineer, saka regional director,” ani Cayetano.

Ayon kay Cayetano, hindi na mangyayari sa 2020 national budget ang nangyari noong nakaraang Kongreso tungkol sa pag-park ng pondo ng isang kongre­sista sa distrito ng iba.

“Dito sa budget na ‘to, we will not allow any parking. Parking of funds, the way I under­stand it is a form of corruption,” ani Caye­tano. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top