Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrew E at Dennis, nagka-pelikula sa Viva dahil kay Janno
Andrew E at Dennis, nagka-pelikula sa Viva dahil kay Janno

Andrew E at Dennis, nagka-pelikula sa Viva dahil kay Janno

Going back to sa pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo, inamin nga nina Andrew E at Dennis na dahil kay Janno kaya sila may pelikula ngayon dahil sila ang nai-suggest ng huli na gumawa sila ng pelikula noong pumirma siya ng kontrata sa Viva Artist Agency bilang contract star.

Nagkataon na ang suhestiyon ni boss Vic del Rosario sa pelikulang gagawin nila ay kung ano ‘yung usong comedy noon, back old-school comedy ‘ika nga kaya mas lalong natuwa ang tatlong bida dahil ito naman talaga ang forte nila na may kanya-kanyang hit movies noong araw.

Sakto rin na si Al Tantay ang direktor na naging parte ng sitcom na Goin’ Bananas na tumagal ng apat na taon sa ABS-CBN, 1987-1991. Bukod pa sa IBC 13, 1986-1987.

Aminado ring marami silang adlib pero inihingi nila ng permiso kay direk Al bilang respeto.

Sabi kasi ni direk Al na alam niyang lahat kami maraming idea at welcome sa kanya lahat, ang sabi lang niya gusto niyang mabasa at lahat naman pumasa,” sabi ng Sanggano, Sanggago’t Sangwapo actors.

At nakatutuwa dahil binigyan sila ni boss Vic ng magaganda at batang leading ladies na puwede na nilang maging anak sa pangunguna ni Louise de los Reyes, Cindy Miranda, at Vanessa Wright. Mapapanood ang Sanggano, Sanggago’t Sangwapo sa Setyembre 4 produced ng Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top