Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa
Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa

Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa

HINDI mapipigilan ng presensiya ng mga pulis sa mga esku­welahan ang pagrerekrut ng mga bagong miyembro ng mga maka­kaliwang grupo.

Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglaganap ng krimen ang puwedeng maiwasan sa pagka­karoon ng mga pulis sa mga paaralan pero ang recruitment ng leftist groups ay hindi dahil lihim ang pangangalap ng kanilang kasapian.

“Ang presence ng police can prevent any crime being commit­ted inside the campus. Pero recruitment? I dont’ think na it will solve,” ani Panelo.

Hindi naman aniya kailangang maganap sa mga eskuwelahan ang recruitment ng leftist orga­nizations kaya kahit may mga pulis sa loob ng paaralan, mang­yayari pa rin iyon.

“Unang-una recruitment doesn’t even have to be in schools,” sabi ni Panelo.

Kamakalawa ay iminungkahi ni Sen. Ronald dela Rosa ang police visibility sa mga paaralan upang maiwasan ang recruit­ment ng leftist groups sa mga estu­dyante. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top