Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Poe desmayado kay Lim sa hindi pagdalo sa padinig sa Senado
Poe desmayado kay Lim sa hindi pagdalo sa padinig sa Senado

Poe desmayado kay Lim sa hindi pagdalo sa padinig sa Senado

PINUNA ni Senator Grace Poe ang hindi pag­si­pot ni Metropolitan Mani­la Development Authority (MMDA) Chair­man Da­nilo Lim sa pagdinig ng senado kaugnay sa traffic sa EDSA.

Sinabi ni Poe, nag­pasabi si Lim na dadalo siya sa pagdinig ng kaniyang komite pero hindi sumipot.

Ani Poe, napapaisip tuloy siya kung talaga bang seryoso si Lim na matugunan ang proble­ma sa traffic sa Metro Mani­la partikular sa EDSA.

Katuwiran ni MMDA General Manager Jojo Gar­cia, kasama nila kahapon ng umaga si Lim pero kinailangan lumiban sa pagdinig dahil may pu­pun­tahang MOA signing.

Tila hindi tinanggap ni Poe ang paliwanag.

Ayon kay Poe, madali naman pumirma o duma­lo sa MOA signing at maaari pa rin sumipot sa pagdinig si Lim pagka­tapos nito.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top