Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mylene Dizon at Kit Thompson, daring sa pelikulang Belle Douleur
Mylene Dizon at Kit Thompson, daring sa pelikulang Belle Douleur

Mylene Dizon at Kit Thompson, daring sa pelikulang Belle Douleur

SUMABAK sa mainit na love scene si­na Mylene Dizon at Kit Thompson sa pelikulang Belle Dou­leur na idinirek ni Atty. Joji Alonso. Handog ng Quantum Films, Dreamscape Digital, at iWant, palabas na ito ngayong August 14.

Ginagampanan ni Mylene si Elizabeth, isang 45-anyos career woman na kontento nang mabuhay mag-isa at hindi na mag-aasawa pa. Makikilala niya rito si Josh (Kit), isang kolektor ng mga antique items na 20 taon ang bata sa kanya. Sa kabila ng agwat sa edad, matututuhan nilang mahalin ang isa’t isa at matuturuan ni Josh si Elizabeth na hindi pa huli para umibig.

Ayon kay Atty. Joji, dahil May-December ang love affair dito nina Mylene at Kit, kaya kailangan ng passion at hindi puwedeng walang sex. “So ginamit ko ‘yung sex scenes. May progression ang sex scenes ko rito.The first nga is lust. It’s their first time. And the second which is a long take of five minutes is the passage of time. Then, last one is actually my representation of Elizabeth’s freedom, so, walang damit.”

Ito ang pinakamahirap na role na ginampanan ni Mylene. ”Ito na iyon…  na parang pagkatapos nito, uwi na ako. Ayaw ko na,” nakangiting paha­yag ng aktres.

Aminado si Mylene na nagdalawang isip na tanggapin ang pelikula. “Honestly, in the beginning, I wasn’t sure because of the love scenes, I wasn’t sure if I was up to it. But I spoke to my partner, Jason (Webb) and he kind of encouraged me to accept the project. Still when we were shooting the film, I wasn’t sure because I wasn’t sure how it was going to be. Talking about big love scenes that I haven’t done before of this caliber.”

Dito’y payag si Kit na gawin ang love scene nila ni Mylene kahit hubo’t hubad siya at walang plaster dahil part daw ito ng trabaho niya. “I wanna do the scene properly and I don’t need those things to be holding me back to give my best performance,” anang Kapamilya actor.

Sinabi rin ni Kit kung bakit siya napapayag na gawin ang pelikulang ito. “Kaya ako napapayag is nang nabasa ko ang script, talagang nagus­tuhan ko siya. Well, I feel it’s not something that has been done here, before. And ‘yung theme niya and ‘yung treatment, it’s very different,” wika niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top