Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / How true? Veteran actress Celia Rodriguez, idinamay ng GMA sa nangyari kay Eddie Garcia
How true? Veteran actress Celia Rodriguez, idinamay ng GMA sa nangyari kay Eddie Garcia

How true? Veteran actress Celia Rodriguez, idinamay ng GMA sa nangyari kay Eddie Garcia

MAY press release ang GMA na ang mga nasa cast daw ng “Rosang Agimat” ay bibigyan nila ng bagong show. Pero lumipas na ang 40 days ni Tito Eddie Garcia since namayapa dahil sa insidente sa taping ng Rosang Agimat hanggang ngayon ay nganga ang isa sa cast nito na si Manay Celia Rodriguez.

Yes ilang bagong teleserye ang tine-taping ngayon ng Kapuso network pero isa man rito ay wala sa cast si Manay Celia. Pero ‘yung ibang artista sa Rosang Agimat including Gabbi Garcia and Jeric Gonzales et al, ay binigyan na nila ng new project.

Well, as we heard, mukhang pinagpapahinga raw muna ng GMA ang veteran stars na naka­kontrata sa kanila dahil nang-iingat sila ngayon sa insidenteng nangyari kay Manoy Eddie.

So damay-damay na kung ganoon? Bakit nila tinatang­ga­lan ng trabaho ‘yung artista lalo’t kung ‘yan ang bread and butter nila?

At saka, hindi nila ito pwedeng gawin lalo na kung may kontrata sa kanila. Kilalang very pro­fes­sional si Manay Celia kaya’t hindi niya deserve ang ganyanin siya ng Kapuso network na kanyang minahal nang halos dalawang dekada na.

Nasaan naman ang puso ng Kapuso?

Aba, bigyan ninyo ng trabaho si Manay or else masisigawan kayo ng “Behave!”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top