Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Jigzaw’ puzzle ba ang ‘kolektong’ sa mga pasugalan gamit ang MPD at SPD?
‘Jigzaw’ puzzle ba ang ‘kolektong’ sa mga pasugalan gamit ang MPD at SPD?

‘Jigzaw’ puzzle ba ang ‘kolektong’ sa mga pasugalan gamit ang MPD at SPD?

HINDI natin alam kung saan nanghihiram ng kapal ng mukha at lakas ng loob ang isang alyas Jigzaw na nagpapakilalang ‘itinalagang’ kolektor umano ng Manila Police District (MPD) at Southern Police District (SPD) para ipangolekta sila sa mga ilegal na pasugalan.

Kung hindi tayo nagkakamali, mahigpit na iniutos ni NCRPO chief, P/MGen. Guillermo Eleazar na maging mahigpit sa ilegal na sugal pero bakit may isang alyas Jigzaw na nagpakilalang sugo siya ng MPD at SPD para ipangolekta ang mga district director?!

May katotohanan ba ‘yan, P/BGen. Vicente Danao, Jr., at P/Gen. Eliseo Cruz?!

Pakikapa-kapa lang po ang ulo ninyo at baka bukol-bukol na kayo kay alyas Jigzaw.

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top