Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese looking na bangkay, fetus natagpuan sa Pasay
Chinese looking na bangkay, fetus natagpuan sa Pasay

Chinese looking na bangkay, fetus natagpuan sa Pasay

WALANG buhay nang matagpuan ang isang hindi kilalang lalaki sa Federal Avenue Road 2, Metropolitan Park, Pasay City kahapon ng umaga.

Base sa report ng Pasay City Police, naka­tanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizens kaugnay sa pag­ka­katagpo sa bangkay ng lalaki sa nasabing lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, Chinese looking ang biktima na nasa edad na 35-40 an­yos, nakasuot ng puting T-shirt , brown jogging pants, itim na medyas at  katamtaman ang pa­ngangatawan.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng kamatayan at pagkakakilanlan ng biktima na patuloy ang ginagawang nagsa­sa­gawa imbestigasyon.

Samantala, isang fetus ang nakita ng isang garbage collector sa likod ng kanilang garbage truck habang nangongolekta ng basura sa kahabaan ng Tramo St., Barangay 64 Zone 8, Pasay City dakong 8:30 am.

Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwan ang nasabing fetus at hindi pa rin malaman ang kasarian nito.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top