Wednesday , November 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Wanted na ‘tattoo artist’ kalaboso
Wanted na ‘tattoo artist’ kalaboso

Wanted na ‘tattoo artist’ kalaboso

KALABOSO ang isang tattoo artist na tinagu­riang No.1 most wanted person sa lungsod dahil sa kasong rape makaraan mapasakamay ng mga awtoridad, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang akusa­dong si Eugene Aquino, 28, binata, tattoo artist, ng Acacia Street, Bara­ngay Cembo, Makati City.

Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/CMSgt. Ronaldo Robles, ang akusadong si Aquino sa bahay sa San Miguel St., Bgy. Commonwealth, Quezon City, dakong 5:20 pm.

Hinuli si Aquino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 137 Judge Ethel Mercado-Gutay para sa kasong rape with frustrated homicide sa ilalim ng criminal case #19-03141-CR.

Base sa report, inire­komenda ng korte ang halagang P120,000 piyan­sa para sa pansa­man­talang paglaya ng suspek.

Nabatid na si Aquino ang parehong tattoo artist na nag-viral sa social media.

Kasalukuyang naka­ku­long ang suspek sa custodial facility ng Makati PNP.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top