Wednesday , November 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tulak sugatan sa buy bust
Tulak sugatan sa buy bust

Tulak sugatan sa buy bust

MATAPOS ang ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Pasay City Police sugatan ang isang sinabing tulak ng ilegakl na droga nang maki­pagbarilan sa mga pulis nitong Sabado.

Nakaratay at ginaga­mot sa Pasay City General Hospital ang suspek  na si Manny Sumalinog, 35, binata, residente sa Estrella St., Barangay 14, sa nasabing lungsod, sanhi ng  tama ng bala sa balikat.

Ayon sa ulat, nag­sagawa ng buy bust ope­ration ang mga tauhan ng SDET ng Pasay Police, laban sa suspek sa nasa­bing lugar dakong 4:45 ng hapon.

Habang iniaabot ng suspek ang droga sa poseur buyer, nahalata ng suspek na isang pulis ang kanyang katransaksiyon kaya agad siyang tumak­bo sa loob ng kanyang bahay.

Hinabol ng mga pulis ang armadong suspek na nakitang tumatakas sa bubong ng kanilang bahay at lumundag sa canopy ngunit wala na siyang matakbuhan kaya pinaputukan umano ang mga operatiba hanggang makarating si Sumalinog sa ikatlong palapag ng bahay at muling nagpa­putok  pero wala siyang tinamaan.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang tamaan sa balikat ang suspek sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

Agad dinala ang sus­pek sa naturang paga­mutan upang malapatan ng lunas.

Narekober sa loob ng bahay ni Sumalinog ang tatlong pakete na naglala­man ng shabu at isang kalibre .45 na ginamit ng suspek sa pakikipag­barilan at nakuhaan ng pito pang pakete ng hinihinalang shabu.

Inihahanda ang pag­sa­sampa ng kasong paglabag sa Com­pre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at Illegal Possession of Firearm and Ammunition laban sa suspek.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top