Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Pagmaltrato ng amo sa 27-anyos Chinese nat’l pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP (Patay nang mahulog mula 6/F)
‘Pagmaltrato ng amo sa 27-anyos Chinese nat’l pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP (Patay nang mahulog mula 6/F)

‘Pagmaltrato ng amo sa 27-anyos Chinese nat’l pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP (Patay nang mahulog mula 6/F)

INATASAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang kaso ng namatay na 27-anyos Chinese national na nahulog sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Pamplona Dos sa Las Piñas City noong Biyernes.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakababahala ang naturang ulat lalo’t nakaposas pa umano ang biktimang si Yang Kang.

Pinatutugis ng Pa­ngu­lo ang supervisor ni Yang na sinasabing ginawang bilanggo ang biktima.

Nakaalarma aniya na dumadami ang kaso ng foreign workers na naka­raranas ng pang-aabuso at illegal detention.

Hindi aniya pala­lampasin ng gobyerno ang naturang kalakaran sa kahit na sinumang dayu­han na nagtatrabaho sa bansa.

Hinihikayat ng Pala­syo ang mga dayuhan na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag naka­raranas ng pang-aabuso o nalalabag ang kanilang karapatang pantao.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top