Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 treasure hunters tiklo sa Marinduque
2 treasure hunters tiklo sa Marinduque

2 treasure hunters tiklo sa Marinduque

ARESTADO ng mga awto­ridad ang dalawang hinihi­nalang treasure hunters sa bayab ng Gasan, lalawigan ng Marinduque kahapon, 11 Agosto.

Kinilala ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, Mimaropa regional police information officer, ang mga suspek na sina Frankie Ical, 29 anyos, isang magsasaka, at Godo­fredo Perigren, 49 anyos, kapwa mula sa bayan ng Sta. Cruz, sa naturang lalawigan.

Nadakip ang mga suspek nang makatanggap ang pulisya ng tip kaugnay sa nagaganap umanong paghuhukay sa Barangay Bahi.

Sasampahan ng kaso ang dalawang nadakip na suspek ng paglabag sa Philippine Mining Act of 1995.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top