Thursday , September 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Grupo ni Santiago, may apela kay Duterte
Grupo ni Santiago, may apela kay Duterte

Grupo ni Santiago, may apela kay Duterte

Bukod dito, napag-alaman naming kasama pala si Mr. Santiago sa Association of STL Agents of Visayas-Mindanao. Nabanggit nga nito ang ukol sa kasalukuyang problema ng STL (Small Town Lottery), na naapektuhan sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil muna ang operasyon nito sa buong bansa.

Nagpulong ang grupo para pag-usapan kung paano nila haharapin ang usaping ito kasabay ang pag-apela nila kay Pangulong Duterte na sana’y maibalik na ang STL.

Anang grupo mula sa kanilang mensahe sa Pangulo na binasa ng isa sa kanilang ka-grupo na si Mr. Rondel Diaz,”Kami po na bumubuo ng Assoc. of STL Agents of Visayas Mindanao ay nagpapahayag ng aming suporta sa ginawa ng ating mahal na Pangulo Rodrigo Roa Duterte upang linisin ang anumang corruption sa hanay ng PCSO, STL at iba pang laro nito.

“Ang nasabing hakbang ng ating mahal na pangulo ay lalong magpapatibay ng pagtitiwala ng mamamayan sa PCSO. At ganon din kung malinis at maisasaayos at muling maibalik ang operation ng STL ay mas lalong magiging kapaki-pakinabang ito sa ating mga mamamayan.

“Nais din po naming ipabatid sa mahal na pangulo at sa lahat ng mamamayan na kami po ang mga corporation na sumusunod sa lahat ng alituntunin at patakaran ng PCSO. Wala po kaming shortfall or kakulangan sa aming remittance sa PCSO. Kami po ay sumasailalim sa tamang proseso ng bidding at pagkuha ng aming prangkisa. Samakatuwid kami po ay in good standing status sa PCSO.

“Marami po ang mawawalan ng hanapbuhay at maaapektuhang pamilya at madami po ang maaaring magbabalik sa illegal na gawain. Sa pagkahinto ng STL ay mamamayagpag na po sa kasalukuyan ang mga illegal n laro sa buong bansa.

“Maaari rin pong maapektuhan ang Revenue ng PCSO sa pagkkahinto ng STL sapagkat malaki din po ang halaga na aming iniaambag dito. Samantalang ang illegal po ay wala kahit singko at walang pakinabang ang ating gobyerno.

“Nais din po naming bigyan diin na kami po ay kaisa ng ating mahal na pangulo at ng PCSO sa paghahatid ng mga servisyo, charitable works, proyekto at programang nakatutulong lalo’t higit sa maliliit nating kababayan sa buong bansa.

“Kung kaya po kami ay kumakatok sa mabuting puso ng ating mahal na pangulo na mabigyan ng pagkakataon na muling makapag operate at asahan niyo po na kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya at patuloy kaming makikipagtulungan sa ating gobyerno upang makamtan natin ang isang mapayapa, maunlad, malinis na bansa at malayo sa katiwalian.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top