Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 3 sikat na Hollywood stars, bibisita sa ‘Pinas
3 sikat na Hollywood stars, bibisita sa ‘Pinas

3 sikat na Hollywood stars, bibisita sa ‘Pinas

MAGIGING aktibo nang muli sa paggawa ng pelikula ang Wild Sound Film Productions. Ito ang paniniyak sa amin kahapon ng CEO nitong si Chris Santiago, anak ni Cirio Santiago at pinsan nina Randy at Rowell Santiago.

Ayon kay Chris, tatlong sikat na Hollywood stars ang bibisita sa Pilipinas very soon. Ang tatlong ito kasi ang bibida sa kanyang pelikula na rito sa Metro Manila magsu-shoot.

Ayaw pang sabihin ni Mr. Santiago kung sino-sino ang Hollywood actor na iyon dahil gusto munang mabasa ng kompleto ng mga ito ang script.

Bukod sa pelikula, magpo-produce rin ng TV series ang Wild Sound na intended for Netflix.

Bukod dito, nasa pre-production na rin ang latest offering nilang Escape nina Michael McDermott Sr., Marc Roces, at Scott Rosenfelt bilang co-producer. Bida rito sina Rhian Ramos, Derek Ramsay, at Alexander Diaz na idinirehe ni Pedring Lopez.

Sa official page ng pelikula, ang Escape ay ukol sa isang Australian national, na napagbintangang drug dealer sa Maynila na sa kulungan bubunuin ang buong buhay. “An Australian corporate intelligence specialist is hired to bring him home while the corrupt police colonel tracks him down.”

Marami nang nagawang pelikula ang Wild Sound tulad ng General Commander (2019); Showdown in Manila (2016); Operation Rogue (2014); at Angel of Destruction (1994). Kasi naman talagang nasa dugo nila ang industriya.

Sabi nga ni Mr. Santiago, nais niyang ituloy ang legacy ng kanyang ama sa paggawa ng pelikula. Gusto rin niyang makatulong sa mga taga-industriya, lalo na sa mga production people na walang trabaho kung walang pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top