Thursday , April 25 2024

Nasaan ang bakuna laban sa Dengue?

NANG ipatigil ang dengvaxia vaccine walang naging alternatibo ang pamahalaan kung ano ang kanilang ipapalit.

Hanggang ngayon, kahit maraming magagaling na Pinoy ang gumagawa ng mga pag-aaral tungkol sa dengue, wala tayong naba­ba­litaan na espisipikong gamot o makatutulong sa pasyenteng tinamaan ng dengue.

Ngayong nagkaroon ng epidemya ng dengue, bumalik na naman sa ‘entablado ng dakdakan’ ang mga dating sangkot sa isyu ng dengvaxia.

Sa totoo lang, wala naman makikinig sa kanila kasi hindi naman nila naipaliwanag nang husto sa tao kung ano nga ang dengvaxia.

In short, wala na silang kredebilidad.

Kapag may nagtatanong kung ligtas ba ito, hindi sila makasagot nang deretsong oo, kasi nga ang mga taga-DOH mismo ay mukhang hindi sigurado.

Marami tuloy ang nag-iisip na mukhang sinadya ang epidemya para lubusang yakapin ng mamamayan ang dengvaxia kaysa mamatay sa dengue.

Ganoon nga ba?

‘Yan ay dahil wala ngang paliwanag kung ligtas ba talaga o hindi.

Kung hindi ligtas ano ang kapalit o alternatibo?!

Aba, Secretary Duque, hindi lang press conference ang trabaho mo bilang kalihim ng DOH.

Umaksiyon ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *