Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Chinese prosti tuluyan na rin namayagpag sa buong bansa
Chinese prosti tuluyan na rin namayagpag sa buong bansa

Chinese prosti tuluyan na rin namayagpag sa buong bansa

HINDI natin alam kung matagal nang nagbubulag-bulagan ang mga awtoridad, natapos mabuyangyang ang mga Chinese prostitutes sa lalawigan ng Cebu.

Parang bagong-bago sa kanila na naglipana ang Chinese prostitutes sa bansa gayong sa Maynila lang ay matagal na silang namamayagpag.

Matagal na nating pinupukol sa ating kolum ang

K-One KTV sa Sto. Cristo St., diyan sa Binondo.

Sa Malate, nariyan ang Top Emperor Int’l KTV malapit sa Remedios Circle.

Ang Tycoon KTV De Luxe Club, sa Aseana Macapagal Blvd.

Nariyan rin ang Avia KTV Club sa Newport  City.

Patok na patok at pak na pak ‘yang apat na KTV clubs na ‘yan kung Chinese prostitutes ang pag-uusapan.

‘Yan ‘yung matagal nang sinasabi na habang ipinagbabawal ang prostitusyon, ‘e lalong lumulusot at dumarami.

Hindi ba’t matagal nang pinag-uusapan na gawin nang legal ‘yan pero dapat ay restricted sa isang area, at maging mahigpit sa health and sanitary permits ng commercial sex workers, babae man o lalaki?!

Ang gimik kasi ng Chinese prostitutes na ‘yan, tatambay sa nasabing KTV Clubs na kunwari ay customer din sila pero ‘yun pala ay ‘mamimingwit’ ng parokyano.

E kung ganyan lang ang mangyayari, delika­dong magkalat ng iba’t ibang uri ng sakit mula STD, impeksiyon sa dugo at iba pang impeksiyon na maaaring makuha sa hindi ligtas na pakiki­pagtalik sa commercial sex workers.

Kung ‘yung mga POGO ay binubuwisan na ng pamahalaan, dapat siguro’y buwisan na rin ang mga Chinese commercial sex workers na malapit na rin mamayagpag nang husto sa bansa.

Paging DOT, DOH, DFA, BI at iba pang ahensiya ng pamahalaan na ‘parang walang alam’ sa pagpasok ng Chinese prostitutes sa bansa.

Galaw-galaw kayo riyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top