Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaina, tiniyak: Hindi sila magkakatrabaho ni John Lloyd
Shaina, tiniyak: Hindi sila magkakatrabaho ni John Lloyd

Shaina, tiniyak: Hindi sila magkakatrabaho ni John Lloyd

SA ginanap na solo digicon ni Shaina Magdayao kahapon, Agosto 5, sa ABS-CBN 9501 ay diretsahang sinabi niyang hindi niya nakikitang magkakatrabaho sila ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

Napapabalitang hiwalay na sina John Lloyd at ina ng anak niyang si Ellen Adarna nito pang Hunyo pero wala pang official statement mula sa dalawa.

Ayon kay Shaina na bagong pasok sa seryeng Nang Ngumiti ang Langit, “sinabi namin hindi, pero like what I said, maliit lang ang mundo ng showbiz but I don’t see it happening so, hindi ko nakikitaan ng possibility, I’m just being honest so, hindi ko masasagot.”

At dahil sa balitang hiwalay na nga ulit sina Lloydie at Ellen, natanong si Shaina kung ilang taon na siyang single at inaming ilang taon na rin.

Aniya, “matagal na, years na ayoko nang bilangin, matagal na, eh, (sabay tawa). Grabe ha, masakit na.”

Nabanggit ng aktres na bago ka ulit magmahal dapat handa ka na ulit para bago mangyari ulit ay kailangang i-prioritize muna ang sarili. Ito raw ang ginawa niya sa ilang taon niyang single.

“Inihanda ko muna ang sarili ko, para when the right time comes, the right one comes, eh, may maibibigay ako sa kanya ng buong-buo na naman.”

I don’t have to say anything Shaina on Bea

Samantala, nagpapasalamat si Shaina sa sunod-sunod na blessings na natatanggap niya ngayon dahil bukod sa pelikula ay heto at may regular soap drama siya, Nang Ngumiti ang Langit na sinusubaybayan ngayon araw-araw at kapag hindi ito nasundan sa regular timeslot ay sa iWant ito pinanonood ng mga bata.

“Oo nga ang daming pasabog ng 2019. Akala ko mag-slow down or that was the plan to slow down in two years pero hindi nangyari kasi ang gaganda ng offers like films, teleserye tapos mayroon pang ibang platform which is iWant (Past Present Perfect).  Maraming nangyayaring magaganda na hindi parte ng plano ko, parte ni Lord kaya gawin natin,” masayang sabi ng aktres.

Hiningan ng reaksiyon si Shaina tungkol kay Bea Alonzo sa pinagdaraanan nito na alam naman ng lahat na super close sila o tawagan nila ay cousin.

“Parang of course I just have something to say but just because I do does mean I will. It’s beyond my own world now, hindi naman ako parte roon, parang I’d like to take care of my piece. And to be very honest hindi ko na inalam ang mga detalye, kilala n’yo naman ako na kung sino lang ‘yung nasa mundo ko ngayon, iyon lang ‘yung kanino ako updated para simple lang ‘yung buhay.

“And I don’t know ayaw kong magsalita kung ano talaga ang nangyari, so wala, I don’t have to say anything,” katwiran ng dalaga.

Wala rin siyang maipapayo sa cousin niya, “I don’t know the whole story and they are all my friends. Gusto ko na lang irespeto ‘yun,” sabi ulit ng aktres.

Nasubukan na ba ni Shaina na maging biktima ng ghosting?

“Anong ghosting?  Ahh, (termino) ng mga milenyal, sabi ko sa inyo wala akong alam kasi wala akong Facebook. Hindi naman, so far hindi naman. Kung ano-ano na lang ang naiisip na terms ng mga tao ngayon. Hindi po (nangyari sa akin),” paliwanag ni Shaina.

Pinuri sa pagganap na OFW sa MMK

Sa kabilang banda, marami ang pumuri sa aktres sa ginampanan niyang papel na OFW sa Maalaala Mo Kaya kamakailan at napangiti siya.

“’Yung mga feedback, bonus na ‘yun, I just made sure na when I committed, buong-buo akong dumarating sa set and ‘yun lang ‘yung pinaka-concern ko more than anything. And I didn’t want to take it lightly dahil hindi biro ‘yung nangyari sa buhay (letter sender). Sobrang inalagaan namin ni direk Nuel Naval ‘yung bawa’t detalye noon at napanood n’yo naman, we did very sensitive scenes, actually marami na roon na-cut ng MTRCB kasi talagang violent ‘yung mga nangyari sa kanya.

“But of course I had to go through it and I still to taped it bago kina-cut ng MTRCB. ‘Yung bonus o feedback (viewers), sobrang bonus po talaga sa akin ‘yun. Pinaka-priority ko po talaga is to be able to deliver, ‘yun po talaga ‘yung concerned ko at ipinagdasal ko na magawa ko kasi mahihirap talaga ‘yung role na naibibigay sa akin,” pahayag ni Shaina.

Abangan kung ano ang magiging karakter ni Shaina sa Nang Ngumiti ang Langit at sundan sa @RSBDramaUnit sa Facebook, @RSBDramaUnit sa Twitter, at @nangngumitianglangit_abs-cbn sa Instagram.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top