Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Quantum produ, ‘di itutuloy ang (K)Ampon kung hindi si Kris ang bibida
Quantum produ, ‘di itutuloy ang (K)Ampon kung hindi si Kris ang bibida

Quantum produ, ‘di itutuloy ang (K)Ampon kung hindi si Kris ang bibida

MATULOY kaya ang first shooting day ni Kris Aquino ng horror movie niyang (K)Ampon sa Agosto 8?

Kasalukuyan kasing nasa Japan pa si Kris habang isinusulat namin ang balitang ito dahil nagpa-iwan siya dahil nagkasakit bigla ang bunsong si Bimby.

Base sa caption ni Kris sa mga litrato ni Bimby na ipinost niya sa IG, “No matter that my bunso is almost 5’11, and he’s 185 lbs, pag nilagnat he’s still my baby. My ate was worried baka mahawa ako (bawal talaga sa autoimmune condition ko to get a fever).

BUT dumedma, bimb’s fever was 39.6 nu’ng madaling araw. The whole day hovering sa 38.4 to 39 tonight- so super bantay ako. When he was shivering from his fever, I doubled his blankets and just embraced him (I’m about 80 lbs less than him) but I believe iba ang alagang mama.

“We are being responsible, I know dapat 72 hours na no fever bago mag airplane, we were supposed to take the midnight flight, meaning airport by 10 PM on the 5th. Kuya Josh will fly home w/ RB (Chanco) & Erich (Gonzales), Bincai (Luntayao).

“I will extend until Bimb’s okay I had some work commitments & a court appearance BUT my bunso’s health comes first. Communicated na with @jeffvadillo to explain about work, as well as Divina Law for one RTC because this wasn’t a situation any of us wanted.

“Share ko lang how compassionate Bimb is, hindi s’ya makakain, no gana, threw up when he tried & having trouble getting up to walk. He said, “mama now I know how you feel when you’re weak and I love you very much because you go through every week but you still try.” #love”

Base kasi sa huling panayam namin kay Atty. Joji Villanueva Alonso ay Agosto 8 ang unang shooting day nila para sa (K)Ampon na entry ng Quantum Films sa 2019 Metro Manila Film Festival mula sa direksiyon ni King Palisoc.

Nabanggit pa na suntok sa buwan ang offer ni Atty. Joji kay Kris sa (K)Ampon, wala lang pinadala ko sa kanya ang script, sabi ko basahin lang niya. I emailed it kasi nasa Singapore siya that time. Tapos may screen shot siyang eksena, sabi niya, ‘nakuha mo na ako with this scene’.

Binanggit namin na alam naman ng lahat na sakitin si Kris, paano pala kung tinanggihan niya, sino ang ibang nasa isip ni Atty. Joji na gagawa?

I wouldn’t have proceeded it, hindi ko itutuloy. Ang horror kasi kailangan kum­baga may kanya-kanyang forte. May mga artista namang lahat magaling pero hindi mo naman mahiram kasi lahat exclusive sila at saka kay Kris ko lang nakikitang bagay ito,” paliwanag pa ng Quantum producer.

Nagsimula nang mag-shoot ang (K)Ampon ng mga eksenang hindi pa kasama si Kris.

Nag-day 1 na kami, may look test kami on August 8,” sabi sa amin ng producer.

Aabutin ng 26 days ang shooting ng pelikula dahil may bata na maraming eksenang kukunan pero limitado naman ang oras nito base sa regulasyon ng DOLE.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top