Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine at Sam, I-Indak kasama ang mga Korean Dance Crew
Nadine at Sam, I-Indak kasama ang mga Korean Dance Crew

Nadine at Sam, I-Indak kasama ang mga Korean Dance Crew

HINDI naiwasang magkailangan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion sa mga sweet moments scene sa Indak.

Kuwento ni Nadine, magkaibigan sila ni Sam at isa ang binata sa close friend ng kanyang BF na si James Reid, kaya naman habang kinukunan  ang kanilang mga sweet moment sa Indak ay natatawa sila na sinang- ayunan naman ni Sam.

Pero  aminado sina Nadine at Sam na nahirapan sila sa rami ng dance production number ng pelikula, mabuti na lang at naroon ang G Force na siyang nag-guide sa kanila para maging maganda ang bawat production number nila.

Bukod pa sa may collaboration sila sa mga Korean Professional Dance Crew na isa sa dapat abangan. Ang Indak ay showing na sa August 7 sa lahat ng sinehan hatid ng Viva Films at idinirehe  ni Paul Alexei Basinillo.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top