Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yeng, binatikos ng local residents ng Siargao,; Rep. Matugas, tutugunan ang kakulangan ng medical staff
Yeng, binatikos ng local residents ng Siargao,; Rep. Matugas, tutugunan ang kakulangan ng medical staff

Yeng, binatikos ng local residents ng Siargao,; Rep. Matugas, tutugunan ang kakulangan ng medical staff

HINIHINGAN namin ng reaksiyon ang manager ni Yeng Constantino na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management dahil ilang local residents’ ng Siargao ang bumatikos sa mang-aawit dahil ipinost nito ang kakulangan ng medical staff sa Dapa Siargao Hospital na kinailangan pang mag-request ng tao mula sa General Luna Siargao Hospital para i-operate ang X-ray machine.

Hindi nagustuhan ng local residents ang pagbanggit ni Yeng ng pangalan ng attending physician dahil cool na cool at nagkukuyakoy pa habang binabasa ang manual.

Ayon sa mga bumatikos sa Rocktar Diva, walang pahintulot na kumuha ng mga larawan sa loob ng hospital at mas lalong wala siyang karapatang i-post ang mga ito lalo na sa attending physician na nagmalasakit sa kanila.

Nagpa-panic si Yeng dahil naaksidente ang asawa, ito ang normal na reaksiyon ng taong hindi alam ang gagawin lalo’t hindi sila tagaroon at higit sa lahat, walang kakilala kaya sana naintindihan ito ng local residents.

In fairness, hati naman ang reaksiyon ng netizens na nakabasa ng Instagram posts ni Yeng at nakapanood ng vlog niya sa Youtube. Pero siyempre since local residents ng Siargao ang mga nagtatanggol ay maiitintindihan ito.

Going back to Erickson ay may ilalabas silang official statement at babahagian kami ‘pag natapos na.

At higit sa lahat nakaganda rin ang pagra-rant na ito ni Yeng dahil nagkaroon ng dahilan para mapansin ni 1st District Representative Bingo Matugas ng Surigao del Norte (Siargao) at siya mismo ang humingi ng dispensa sa mang-aawit sa kakulangan ng emergency equipments sa Dapa Surigao Hospital.

Ini-repost ni Yeng ang post ni Congressman Bingo.

Re: Accident in Siargao Island FB Post of Ms. Yeng Constantino

“We are deeply saddened by the unfortunate incident experienced by Mr. Yan Asuncion, Ms. Yeng Constantino’s husband. We continue to pray for the full recovery of Mr. Asuncion and we thank Ms. Yeng for bringing to our attention the matters that apparently still need to be addressed as regards Siargao’s response to emergencies. The public may rest assured that the Provincial Government, the local executives, health and tourism officials and this representation have been taking steps to make Siargao as safe a destination as it is beautiful and fun.

“Even before the emergencies that involved the loved ones of some of the country’s prominent personalities, we have sought legislation that would lift the status of the institution in question, the Siargao District Hospital, in the Municipality of Dapa, into a Level 2 hospital with more equipment and beds—one with 100 rooms from the current 15. Upgrading the hospital will also address the hospital’s biggest concern, the lack of personnel and manpower, including doctors, nurses, technicians and janitors, as it is going to be entitled to a budget directly from the National Government.

“Recently, more ambulances have been deployed for residents as well as tourists in Siargao and nearby areas. Trainings particularly on the management of trauma patients and pre-hospital care of trauma cases are being con­ducted by the Provincial Health Office while Basic Life Support Trainings for responders of hotels, boatmen, surfing instructors are also ongoing.

“On the part of this represen­tation, our mandate is to pass legisla­tion and request funds for inclusion in the yearly budget. Unfor­tunately, budgets, like any govern­ment programs and projects just do not happen overnight, they take considerable time and process.

“Again, we thank Ms. Yeng for citing the quick response of boatmen and ambulance personnel to Yan’s condition and the helpfulness of Siargao’s emergency personnel. We also agree with her observation that as Siargao draws tourists from around the world, its emergency capabilities should improve correspondingly. Its local authorities and this representation are and have long been taking steps towards that end.

“Thank you very much and God bless Siargao Island.”

Kaalinsunod nito ay ipinost din ni Congressman Bingo sa FB page niya ang House Bill 1996 na ang caption ay, ”This is the 18th Congress version of the bill. This was first filed during the 17th Congress.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top