Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao binusalan si Thurman
Pacquiao binusalan si Thurman

Pacquiao binusalan si Thurman

HINIRANG si Manny Pacquiao na fifth-oldest male boxer na nanalo ng world title matapos ang split decision victory laban kay Keith Thurman kahapon, (Sabado ng gabi sa US) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Binusalan ni eight-division champion Pac­quiao ang madaldal na si Thurman nang lumanding ang kamao ng Pinoy sa ulo ng American boxer sa round 1 para yakapin nito ang lona.

Pumabor kay Pac­quiao, 40 ang dalawang ibinigay ng judges na tig 115-112 habang ang isa ay kay Thurman lumagay sa iskor na 114-113.

Nahablot ni Pacquiao ang WBA “super” welter­weight title habang nala­sap ni 30-year-old Thur­man ang unang talo sa kanyang career, (29-1).

May record na 20-4-2 all-time si Pacquiao sa kanyang world title fights, sa kabuuan ng kanyang career ay may 62-7-2.

Aminado si Pacquiao na nahirapan siya kay Thurman.

“He’s not an easy opponent. He’s strong,” hayag ni Pacquiao. “He did his best, I did my best. We made the fans happy,”

Nabigo si Thurman sa kanyang  pagdepensa sa koronang napanalunan noong 2015 kontra Robert Guerrero.

“Pacquiao is truly great, legendary,” ani Thurman. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top