Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / May asim pa… Pacman, pinanis si Thurman
May asim pa… Pacman, pinanis si Thurman

May asim pa… Pacman, pinanis si Thurman

KALABAW lang ang tuma­tanda.

Iyan ang pinatunayan ng 40-anyos boxer-senator na si Manny “Pacman” Pacquiao matapos umiskor ng split decision kontra sa mas batang kalaban na si Keith ‘One Time’ Thurman kahapon sa umaa­tikbong WBA welterweight super championship sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Split decision ang iniskor na tagumpay ni Pacman upang maagaw ang korona ni Thurman at maging pinakabagong WBA welterweight super champion sa harap ng 14,356 spectators sa MGM.

Parehong 115-112 ang iskor na inihatol nina judges Dave Moretti at Tim Cheatham pabor kay Pacquiao habang dikit na 114-113 iskor ang ibinigay ni Glenn Feldman pabor kay Thurman.

Dahil dito ay lalong kumulay ang maganda nang karera ni Pacquiao hawak ang 62 panalo, 7 talo, 2 tabla kabilang ang 39 knockouts na kartada.

Naging malaking factor ng tagumpay ni Pacquiao ang naiskor niyang knockdown sa first round nang komonekta ng kaliwa sa bodega at sinundan ng kanan sa panga ni Thurman.

Nakabangon si Thurman upang makaiwas sa KO ngunit nadomina pa rin ni Pacquiao ang mga sumunod na rounds.

Nakabawi ang Florida-native na si Thurman simula sa Round 5 hanggang 8 bago napuruhan ulit ni Pacquiao sa Round 9 nang madale ulit ng body shot hanggang magtu­tuloy-tuloy ang pabor kay Pacquiao hanggang deciding 12th round.

Sa huli, ang kamao ni Pacman ang itinanghal na panalo tungo sa pagkakahalal bilang pinakamatandang wel­ter­weight champion sa boxing history.

Matunog na susunod na kalaban ni Pacquiao ang iba pang welterweight champions ngayon na sina WBO titlist Terrence Crawfrod, IBF king Errol Spence Jr., at WBC champion na si Shawn Porter.

Sa kabilang banda, nalasap ng 30-anyos na si Thurman ang kanyang unang pagkatalo sa buong karera upang bumagsak ngayon sa 29W-1L-22KOs.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top