Tuesday , December 10 2019
Breaking News
You are here: Home / News / DFA nakatutok sa UK vessel na pinigil sa Iran
DFA nakatutok sa UK vessel na pinigil sa Iran

DFA nakatutok sa UK vessel na pinigil sa Iran

NANATILI ang pagsu­baybay ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos makatanggap ng ulat na pinigil ng Iranian authorities ang United Kingdom-regis­tered MT Stena Impero habang naglalayag sa Strait of Hormuz nitong 19 Hulyo.

Ayon sa ahensiya, sakay ng barko ang 23 crewmembers, 18 Indians, tatlong Russians, isang Latvian at isang Filipino.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs (UMWA) Sarah Lou Arriola, batay sa nakuhang impormasyon mula sa manning agency, walang iniulat na nasak­tan at ang barko ay patu­ngo sa baybayin ng Iran.

Nakikipag-ugnayan na si Ambassador to Iran Fred Santos sa Iranian authorities upang hilingin ang garantiya o pagtiyak na ligtas ang Filipino at para sa agarang paglaya nito.

Agad ipinaalam ng Philippine-based man­ning agency ang insidente sa kaanak ng Pinoy at nagkaloob ng kaukulang tulong habang aktibong nagsasagawa ng ko­ordinasyon ang foreign counterpart sa UK authorities para sa kina­roroonan ng barko at kung ano ang kondisyon ng sakay na seafarers.

Nabatid, ang MT Stena Impero ay iniulat na sinakyan ng “uniden­tified intruders” matapos lumapit ang maliliit na sasakyang pandagat o small crafts at isang helicopter habang nasa Strait of Hormuz sa international waters.

Hindi makontak ng mga awtoridad ang nasa­bing barko na patuloy na hinahanap habang patu­ngo sa hilagang Iran.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top