Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / UK tutulong sa urban planning ng Maynila
UK tutulong sa urban planning ng Maynila

UK tutulong sa urban planning ng Maynila

DUMALAW si Ambas­sador Daniel Pruce kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang magbigay galang at iparating ang tulong na nais ipagkaloob ng United Kingdom sa lungsod ng Maynila. Nagalak si Mo­re­no sa ginawang pag­bisita ni Pruce sa kanyang tangga­pan.

“We want to offer British urban planners to help the City of Manila in its urban planning,” wika ni Pruce.

Ayon kay Pruce mara­mi siyang nakitang ma­gan­dang kasaysayan ang bansa at lubos din ang kanyang naging pagha­nga sa mural na naka­kabit sa loob ng Bulawa­gan ng Manila Cityhall na iginuhit ni Botong Fran­cisco.

Iniharap rin ni Pruce kay Moreno ang traffic-oriented technology na maaaring ikonsidera ng pamahalaang lungsod.

Inimbitahan ni Pruce si Moreno na bisitahin muli ang Oxford Uni­versity at talakayin ang kanyang plano para sa lungsod sa mga nego­syanteng Briton.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top