Tuesday , September 23 2025
prison rape

Statutory rape nais ibaba ni Zubiri sa 12 anyos

NAIS ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ibaba ang edad sa statu­tory rape mula sa 12 years  hanggang 15 bilang dagdag proteksiyon.

“Sa ngayon, ang rape ng isang bata ay itinuturing na statutory rape kapag siya ay may kapansanan sa pag-iisip o ang edad niya ay mababa sa 12 taon.

Ang statutory rape ay pagkakaroon ng “carnal knowledge” o pagniniig – basta ang edad ng bata ay mas mababa sa 12 taon – at hindi kailangan patunayan na gumamit ng puwersa o pananakot ang maysala.

Kasunod ito ng propo­sal, na itaas ang edad sa 15 taon gulang.

Naniniwala si Zubiri  na maraming sexual violence ang nagaganap sa mga batang 12 hanggang 15 anyos, ngunit hindi maparu­sahan ang maysala dahil sinasabi na pumayag ang bata, kahit sa totoo ay sapilitan ang naganap.

“I based my proposal on the 2016 National Baseline Study on Violence Against Children (NBS-VAC) which found that one in every five children below 18 years experience sexual violence. By raising the age to 15 years, I hope that we could put a dent on the number of children victimized since ‘carnal knowledge’ of children aged 12 up to 15 years will now be con­sidered statutory rape.”

“Huwag na nating pahirapan ang mga batang biktima at ang kanilang mga magulang o guardians na makahanap ng hustisya.”

“This amendment to the Revised Penal Code is long overdue considering that the RPC is 89 years old and should be put at par with the expanding measures to protect children, our most valuable asset,” ayon kay Zubiri.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …