Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Mura na, marumi pa’… Slaughterhouse sa Tondo nanlilimahid
‘Mura na, marumi pa’… Slaughterhouse sa Tondo nanlilimahid

‘Mura na, marumi pa’… Slaughterhouse sa Tondo nanlilimahid

PERSONAL na nagsa­gawa ng ocular inspection si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso sa slaughterhouse sa Vitas, Tondo para sa plano niyang rehabili­tation program sa lugar.

Desmayado si More­no sa napakadugyot na sitwasyon ng slaughter­house na pangunahing katayan ng mga baka, kalabaw, at kabayo sa Maynila.

Nakita rin ni Moreno ang mga sitwasyon ng mga hayop na nakatak­dang katayin na marumi, nakadidiri ang tubig, at umaalingasaw ang amoy.

“Tingnan mo ang mga baka natin o, mura na marumi pa,” sabi ni More­­no. “Talagang kahabag-habag naman ang sitwasyon dito.”

Ayon kay Moreno, target na matapos ang konstruksiyon ng bagong Vitas slaugtherhouse compound sa loob ng anim na buwan.

“What we are after is that the people of Manila who will buy meat ay binibigyan ng kasigura­duhan na ang mga karne ay malinis ang pama­maraan ng pagkatay,” ani Moreno.

Komunidad na ang gagawin, kung saan maaaring manirahan ang mga nagtatrabaho sa slaughterhouse.

Ani Moreno, hindi niya kayang hayaan ang dugyot na sitwasyon sa slaughterhouse. Gusto rin niyang maging katang­gap-tanggap at makapa­sa sa Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) ang slaughterhouse.

Sa datos, nasa higit 300 matansero mayroon ang  Vitas slaughterhouse.

Bukod sa slaughter­house, sasailalim din sa rehabilitasyon ang resi­dential area sa Vitas, partikular ang 27 lumang housing building na delikado na umanong tirahan matapos mag-extend ng shanty ang mga residente sa rooftop.

Nasa 4,000 hanggang 5,000 ang bilang ng mga residente sa area.

Samantala, sinabi ni Moreno na bubusisiin ng LGU ang legalidad ng isang sabungan na nasa compound.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top