Tuesday , November 4 2025

Isko nanawagan sa NCCA: Obra ni Botong ibalik sa Maynila

SUPORTADO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang naging pahayag ni Buhay Party-list Rep. at dating mayor Lito Atienza na bawiin at imbestigahan ang pagkawala ng tinaguriang kayamanan ng lungsod   — ang mural na ipininta ng National Artist na si Botong Fran­ciso.

Ayon kay Moreno, dapat isauli ng National Commission for Certi­fying Agencies (NCCA) ang naturang mural na isang mahalagang bahagi ng pagiging Manileño.

Tiniyak ng alkalde, hindi naibenta ang natu­rang mural dahil ito aniya ay priceless na kayamanan ng lungsod.

Pabiro pang sinabi ni Isko na poposasan niya ang sino mang dating mayor ng Maynila na nagbenta ng naturang mural.

Binigyang-diin din ng punong lungsod na unfair para sa bawat Manileño ang hindi pagbabalik ng nasabing obra ni Botong.

Matatandaang ini-turnover ang naturang mural noon sa NCCA para i-rehabilitate at nakatakdang ibalik noong panahon ni dating Mayor Erap Estrada, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin natatanggap ng pamahalaang lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …