Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Syota ng nahuling tulak… Bebot huli sa P2.6-M shabu
Syota ng nahuling tulak… Bebot huli sa P2.6-M shabu

Syota ng nahuling tulak… Bebot huli sa P2.6-M shabu

SWAK sa kulungan ang isang bebot  makaraang makompiskahan ng mahigit sa P2.6 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si  Monalisa Doria alyas Holy, 44 anyos, residente sa Block 38, Lot 1, Carnation St., Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Proper ng nasabing lungsod.

Dakong 12:00 pm nang isang parak na nagpanggap na buyer ang nakipagtransaksiyon kay Doria sa kanyang bahay at nang makaiskor ay agad dinamba ang bebot.

Nakompiska sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na may timbang na 0.29 gramo na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa at limang sachet na tumitimbang ng 382 gramo at tinatayang nasa  P2,597,600 street value.

Napag-alaman, matagal nang minamanmanan ng pulisya ang suspek at ang kinakasama ng isang alyas Michael na naunang nadakip at kasalukuyang nakapiit sa pagkakasangkot sa droga. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top