Sunday , December 15 2019
Breaking News
You are here: Home / News / PHISGOC ayaw ni Duterte para sa SEA Games

PHISGOC ayaw ni Duterte para sa SEA Games

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na gobyerno ang mag-organisa ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa dahil sa ale­gasyon ng korupsiyon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte kama­kalawa ng gabi na ayaw niya na PHISGOC ang humawak ng SEA Games sa Filipinas bunsod ng katiwalian.

Ang PHISGOC ay pinamumunuan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, ang inendoso ng Pangulo na maging speaker sa 18th Congress.

“He (Duterte) said that he doesn’t want the foundation, gusto niya gobyerno. Sabi niya maraming korupsiyon diyan sa private kaya nasisira yung mga dis­karte ng andiyan, kaya gusto niya gobyerno,” ayon kay Panelo.

Wala aniyang bi­nang­­git ang Pangulo na paim­­bestigahan ang PHIS­GOC at bahala na ang kau­kulang ahensiya ng pa­ma­halaan sa usapin.

Gayonman, buo pa rin aniya ang tiwala ng Pangulo kay Cayetano.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top