Saturday , August 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Rep. Romero, naghain agad ng 101 bills (Humataw para sa 18th Congress)
Rep. Romero, naghain agad ng 101 bills (Humataw para sa 18th Congress)

Rep. Romero, naghain agad ng 101 bills (Humataw para sa 18th Congress)

MATAPOS manguna sa nakalipas na 17th Congress sa pamamagitan ng pagpasa ng 500 panukalang batas at resolusyon — na ang 10 porsiyento ng kabuuang bilang (250) ng mga nalagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ay iniakda ni 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero – na muling hinangaan nang magsumite ng 101 panukalang batas sa unang linggo ng Kongreso.

Ilan sa mahahalagang panukala nito na ngayon ay ganap na batas ang RA 11203 o Rice Tariffication Act; RA 11213 o Tax Amnesty Law; RA 11214 o Philippine Sports Training Center Act; RA 11223 or Universal Health Care Act; at RA 11310 o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, na naging malaking tulong para sa mamamayan at bansa.

Si Romero ay isa rin sa itinuturing na pinaka­masipag na mambabatas sa nakalipas na 17th Congress bukod sa isa sa pinakamaraming tulong ang nagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” na 12,000 estudyante ang nabigyan ng tulong para sa edukasyon.

“Give a Heart” na nakapagpa-opera ng mga batang may depekto sa puso sa Philippine Heart Center at nakapagkaloob ng feeding program sa halos 20,000 na mga bata.

“Tayo po ay tumutupad lamang sa ating tungkulin. Ang ating prayoridad ay makapagbigay solusyon sa ating bansa at makapaghatid ng tuloy-tuloy na tulong sa ating mga kababayan lalo sa mga kapos-palad sa abot ng ating makakaya,” pahayag ni Romero na nahirang rin bilang presidente ng Party-list Coalition Foundation Inc (PCFI).

“Sisikapin natin makapagbigay solusyon sa mga kasalukuyang problema na kinahaharap ng ating bansa. Tayo po ay nakatuon sa anti-poverty bills tulad ng urban housing, farms financing, consumer rights at ganoon din sa larangan ng ekonomiya, pampalakasan, teknolohiya at pangkalusugan,” dagdag ni Romero na nanguna rin bilang pinakamayamang kongregista ng bansa.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top