Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / KTV clubs malapit sa Redemptorist Church lalong dumami
KTV clubs malapit sa Redemptorist Church lalong dumami

KTV clubs malapit sa Redemptorist Church lalong dumami

KUNG hindi tayo nagkakamali, huling termino na ni Mayor Edwin Olivarez ngayon.

Wala naman tayong ibang maipipintas sa pamumuno ng masipag at mahusay na alkalde ng Parañaque City.

Maliban sa isang bagay…hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinis ang mga KTV clubs sa paligid ng Redemptorist Church sa Baclaran.

Kung ang mga vendor ay “now you see, now you don’t,” hindi ang KTV clubs sa Baclaran.

Akala natin noong una, noong marami nang nagsarang KTV club sa Pasay City along Roxas Blvd., ‘e susunod na rin ang mga kagayang establisimiyento sa Parañaque City…

Pero iyon pala ay isang maling akala.

Imbes kasi magsara lalo pang nadagdagan at namayagpag ang mga KTV club na sandamakmak ang mga babaeng naghuhubad sa entablado.

At hindi lang mga bebot ang naghuhubad, pati lalaki, napakainam daw maghubad.

Dati’y nag-iisa lang ang White Bird na tambayan ng mga beki, matrona, at mhin.

Pero ngayon may kakompetensiya na silang Apollo.

Kung baga, umuunlad ang industriya ng KTV clubs sa teritoryo ni Yorme.

Kaya gusto natin tanungin, alam kaya ni Mayor Edwin Olivarez na ganyan ang nangyayari sa teritoryo niya?!

Paging Mayor Olivarez!

         

CARMEN PLANAS ST., SARADO PA RIN DAHIL SA VENDORS

KA JERRY, bakit ‘yung Recto Divisoria lang ang ipinalinis ng Yorme Isko? Wala pa rin madaanan sa Carmen Planas St., dahil halos nasa gitna na ang mga paninda. Pati sa paligid ng Divisoria Mall ay tadtad rin ng vendor.

+63918599 – – – –

 

3 ITLOG SA MIAA

GOOD am sir, dapat malaman ni GM Ed Monreal ang galaw ng mga tao sa tabi niya lalo na ang 3 itlog na namamayagpag diyan sa MIAA building. Baka magising cya isang araw na pawang milyonaryo na mga tao sa paligid niya?

+63997834 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top