Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Binondo bank robbery group natukoy ng MPD
Binondo bank robbery group natukoy ng MPD

Binondo bank robbery group natukoy ng MPD

ISINAPUBLIKO nina Manila Police District (MPD) director P/BGen. Vicente Danao Jr., at Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagkakakilanlan ng grupo ng mga bank robbery suspects na sinasabing nanloob sa Metrobank branch sa Sto. Cristo, Divisoria Binondo, Maynila.

Sa isinagawang press briefing sa Manila city hall, inilabas ang pagkakakilanlan ng limang suspek sa Binondo bank robbery na pinamunuan ng lider na si Marlon “Ailon” Parojinog, Noli Bonifacio Casuela alyas Lito Dapitan, team leader ng grupo, at sinasabing dating lider ng Abuyog group robbery hold-up group, alyas Jing-Jing Mofan, Michael “Batang” Calulong alyas Pilay at Frederick Secretario.

Natukoy rin nina Danao ang iba pang bagong kagrupo ng limang suspek na sina Gilbert Mofan, Nicanor Fiel, Jerry Galieto, alyas Jo Barok at isa pang ‘di pinangalanang lalaki.

Magugnitang nitong Huwebes ng umaga pinasok ng limang aramadong lalaki ang Metrobank branch sa  Binondo, Maynila at tinangay ang hindi pa natukoy na halaga mula sa loob mismo ng vault ng naturang banko.

Kaugnay nito, nangako ng P1-milyong patong sa ulo laban sa mga suspek si Manila Mayor Isko para sa makapagtuturo ng kanilang pinagtataguan.

Sa panayam kay Danao, nabatid na ang mga suspek ay mula sa iba’t ibang organized crime groupna nagsama-sama at ang bawat miyembro ay dati nang sangkot sa iba’t ibang kaso.

“We will not stop the manhunt operation against those dreaded suspects but we are praying for a peaceful arrest para mapatuga kung may handler, mastermind at kung sino pa ang kagrupo ng organized crime group,” ani Danao.

“We are also validating the A1 information na ang ilan sa limang main suspect sa bank robbery ay dati nang lumakad ng kidnapping at malaking insidente ng holdapan sa iba’t ibang lugar sa bansa,” dagdag ni Danao.

Tumulak umano sa Batangas at Mindoro ang MPD upang mangalap ng impormasyon at pinostehan ang ilang lugar na posibleng pagtaguan ng mga suspek.

Patuloy ang isinasagawang intelligence gathering at manhunt ng MPD sa iba’t ibang lugar sa bansa. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top