Sunday , December 15 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila
2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila

2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila

PATAY ang dalawang lalaking nasa watchlist matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nakatambay sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Caguioa, 53, construction worker ng 908 Boulevard, Sampaloc, Maynila; at Juanito Baful, 49, tricycle driver. Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, lulan ng itim na SUV (hindi naplakahan), na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, dakong 2:30 am nang maganap ang insidente sa Quezon Blvd., corner Leena St., Sampaloc, Maynila sakop ng Barangay 464.

Nabatid na nakatayo ang dalawang biktima sa nasabing lugar nang lapitan sila ng mga suspek lulan ng SUV at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril sa katawan.

Inaalam ng awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaril.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top