Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, talagang mahusay na artista kaya ‘di na kailangan ng paghuhugutan
Kathryn, talagang mahusay na artista kaya ‘di na kailangan ng paghuhugutan

Kathryn, talagang mahusay na artista kaya ‘di na kailangan ng paghuhugutan

ANG katuwiran, iyan daw si Kathryn Bernardo, bata pa lang artista na. Ibig sabihin kumikita na nang malaki, kaya ang pamilya niyan hindi mo masasabing nagkulang sa kanilang buhay. Kaya ang paniwala nila, baka wala siyang paghugutan ng acting para sa mga eksena niya sa Hello, Love, Goodbye. Iyon ang dahilan kung bakit parang inapi siya. Hindi pinayagang makipagkuwentuhan sa kanya ang mga kasama niya, para madama niya ang lungkot ng isang OFW.

Kami naman iba ang paniniwala namin. Mahusay na artista naman iyang si Kathryn, at palagay namin magagawa niya nang mahusay ang kanyang role at hindi na niya kailangan iyang mga ganyang paghuhugutan pa. Magiging effort para sa kanya, pero mapag-aaralan niya iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top